Kwento lang…
Kanina pagkatapos ng shift ko, dumaan ako ng McDo para i-try yung bago nilang produkto, yung COFFEE FLOAT. Finally, naisipan rin nilang gayahin ang Jollibee. Syempre, di hamak na mas masarap ang sundae nila kaya excited naman akong i-try yun.
So eh di ayun na nga, andun na ako, umorder ako at di ko talaga type yung paraan ng pagsasalita ni ate crew. Una, hindi ko alam kung sablay ba ang pagkaka-pronounce ko ng “coffee”. Lagi na lang.
Ako: Isang coffee float.
Ate Crew: Huh?
Ako: Coffee float.
Ate Crew: Coffee…?
Ako: Coffee float. Cof-fee floaaaat.
Ate: *punch sa cashier box*
Anyway, pinalampas ko na lang yun. Tapos napansin ko na parang nire-refillan nila yung lalagyan ng kape. Napaisip-isip ako na mukhang matatagalan ‘to, which I don’t mind. Kaya lang…
Ate Crew: Uhm, okay lang po after 5 mins?
Ako: *I stared at her for a few seconds, alam kong they will take more than 5 mins* 5 mins, sure?
Ate Crew: Yes ma’am.
Ako: Okaaay.
Ate Crew: Pa-wait na lang, upo na po muna kayo.
Ako: Hindi ko kailangan ng number or anything?
Ate Crew: Hindi na po.
Okay bago ako tumuloy sa kwento ko, yung lalaking sumunod sa akin, ang galang-galang. Binati pa siya ng “good morning” tapos hindi naman niya ni-return. Medyo nairita lang ako na ang pangit ng tono niya ng pagkakahingi ng P8.00 para mabigyan niya ng buong sukli si kuya. Demanding na wala man lang tono nang nakikiusap. I mean, this is customer service. :|
Umupo ako, inorasan ko sila (salamat sa timer ng phone ko). Nung lumagpas na ng 10 mins, sabi ko, ayoko na. Sabi ni ate 5 mins, confident pa siya sa akin. Bumalik ako sa counter, napansin ako ng manager, tinanong kung may kailangan ba ako or something. Sabi ko, hindi pa ba matatapos yung kape? Pagkita ko dun sa parang thermal container, parang tinitimpla pa lang nila. Sabi nung manager, matatapos na daw. Pero halata ko bakas ng aura niya na yamot na yamot na siya sa mga crew niya dahil siya na mismo ang nagtitimpla at naghahanda ng mga naipong order ng coffee float.
I’m not proud or anything pero, I just felt powerful and I felt like exercising my right as a consumer, so I called the manager again at pina-void ko na yung order. She asked kung aling cashier and with great satisfaction, tinuro ko si ateng nagising ata sa maling side ng bed. You’re in trouble, bitch.
Wala namang kaso sa akin kung sinabihan ako ni ate na pwede 15 mins or 20mins even, sure ang panget pakinggan kasi ang tagal pero at least you’re being honest? Right? Setting the customer’s expectation properly. Sino bang gustong pinagsisinungalingan at pinapaasa? Di ba wala? Kaya may mga panget na customer service dahil may mga customer na hindi marunong kilalanin ang karapatan nila as consumers. Lagi tayong pinangungunahan ng hiya at pagka-Pilipino natin. Hindi sa lahat ng oras applicable ito, IMHO.
May mga taong mas deserve ang spot nung ate crew na yun at kung di niya mahal ang trabaho niya dahil nagsasawa siya dun, sana ibang mas nangangailangan na lang ang nagseserve.
Yun lang. Isa pa, hinahabol ko yung clearing time ng bangko, so may legit naman akong excuse. Hindi ako nampopower trip.
Matyetyempuhan ko din yang coffee float na yan. Haha!
